THIS IS ME. I AM. APRILMELODEE.




WELCOME TO MY SILENT SANCTUARY

Tuesday, July 29, 2008

BAKIT BA AKO SINGLE??

Got this from Raya's blog. La lng. :p

Destiny Addict

Ito 'yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "soulmates" and whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino man 'yung talagang meant for him/her ay darating na lang bigla sa paraang maaaring hindi niya inaasahan--wow, parang Serendipity.

Laging maririnig na nagsasabing: "Dadating din 'yan. 'Wag kasing hanapin!"

Perfectionist

Simula nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya sa kanyang magiging boypren/girlpren. Kapag may nakilala siya at nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o parang penguin maglakad, wala na. Turn off na 'yun para sa kanya.

Laging maririnig na nagsasabing: "Ok na sana siya e. Kaya lang gusto ko 'yung ganito..."

Napaka-superficial naman ng love na yan. Ano ba, true love eradicates imperfections...

Busy Bee

Pasensya na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, bolpen, papel at calculator. Umaalis ka ng 6 am sa bahay at umuuwi ng 7 ng gabi 'pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at matutulog na. Masaya ka nang makanood ng TV 'pag Sabado (at gumawa ulit ng homework). Sapat na sa'yo ang kumain sa labas kasama ang pamilya 'pag Linggo (at gumawa pa rin ng homework).

Laging maririnig na nagsasabing: "Sorry. Wala akong time sa ganyan e."


Friend Forever version 1

Kunwari ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga 'yang best friend o special friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. 'Yung tipong 'pag may kasamang iba 'yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa totoo lang, gusto mo na malusaw na parang ice caps dahil sa Global Warming.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm so happy for you!" o "Sayang naman 'yung pinagsamahan namin e."

Friend Forever version 2

Wala tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang kasarian--pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys, ladies' man. Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang nakaka-hang-out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang halong malisya.

Laging maririnig na nagsasabing: "May inuman ba mamaya?" (kung babae) o "Hatid ko ba kayo mamaya?" (kung lalaki)

Born to be One

Single-blessed ka at wala ka nang magagawa kung ganun. :) Nilikha ka siguro para maging mag-isa (pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh) hanggang tumanda ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga. Minsan lang, masyado silang masungit.

Laging maririnig na nagsasabing: "Mag-isa ako."

Happy-go-lucky

'Eto 'yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang at walang seryosohan please. Personally, ayoko nung mga ganito. Umaapaw lang siguro 'yung mga taong ganito sa L. Magbuhos ka nalang ng malamig na tubig sa iyong buong katawan at solb na 'yan.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm not ready to commit e, but I really like you."

Wrong Time

'Eto naman 'yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, 'yung pakiramdam nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa pamilya, o long test kinabukasan. :))

Laging maririnig na nagsasabing: "We had the right love at the wrong time..."

Parent Trap

Ayaw ni mama o ni papa na magkaboypren/girlpren ang kanilang unica hija/hijo kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera. Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may makadalaw sa'yo sa bahay. O kaya, baka ikaw 'yung may problema dahil natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa taong iyong gusto. Baka kasi sabihin nila na masyado siyang bansot/ matangkad/ baboy/ payatot para sa'yo.

Laging maririnig na nagsasabing: "Baka kasi magalit si Papa."

Trauma

Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww. >:D< Pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka makapagmatapang na magventure into some love quest.

Laging maririnig na nagsasabing: "Pagod na pagod na akong masaktan!" *hikbi*

Your Ex-Lover Is (NOT) Dead

Yikeeee. Mahal pa rin niya ang kanyang ex at hindi siya maka-get-over the person. Boo. Pilit pa ring inaalala ang mga tawanan, iyakan, at PDA moments nilang dalawa kahit 'yung ex niya ay nakikipag-(insert verb here) na sa ibang babae/lalaki. Sasabihin mong nakapag-move on ka na pero pag nagkwentuhan tungkol sa pag-ibig, tandadadaaaaan! Siya na naman naiisip mo.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm over him/her..." *tapos iiyak bigla :))*

Ayaw

Dalawa na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-"someone". Hindi ko na pipilitin ungkatin 'yung dahilan pero may mga pagkakataon lang talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka...ayaw kasi sa'yo nung gusto mo. And that's the shizzest thing ever! Pwedeng ayaw niya sa'yo dahil may girlpren/boypren siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya talaga at wala ka nang magagawa kung ganun. :(

Laging maririnig na nagsasabing: "Ayoko pa magkaboypren/girlpren e." o "Hindi naman niya ako gusto."


*****

Pero bakit ba talaga ako single? Eh wala talaga e. :-D

Monday, July 14, 2008

I gotta find you

Every time I think I'm closer to the heart
Of what it means to know just who I am
I think I've finally found a better place to start
But no one ever seems to understand

I need to try to get to where you are
Could it be, your not that far

You're the voice I hear inside my head, the reason that I'm singing
I need to find you
I gotta find you